Monday, October 29, 2007

Bad Omen



Grrrr! Ahhhhh!

Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw sa sobrang galit! Nabura kasi ng uncle ko ang lahat ng picture namin ng mahal kong si "Fife" na naka-save sa cell phone ko! Napabuntung-hininga na lang ako. Malungkot dahil kasama sa mga iyon ang mga picz ng mga matatalik kong kaibigang sina Elma at Donna. Kinunan 'yun noong bertdey ng pamangkin ni Ehl. Klasmeyt ko sina Ehl at Don mula elementary hanggang hayskul doon sa Bicol. Nagkita-kita lang kami noong Miyerkules sa graduation ng mahal ko.

Bad Omen. Naisip ko na baka may ibig sabihin ang nangyari. Noong Sabado kasi ay nagkita-kita ulit kami at siyempre kasama doon ang mahal ko. Aksidenteng nakita ng mahal ko ang picture namin ni "Fulgoso", kasamahan ko sa isang org sa UP, kung saan aktong hinahalikan ko ang huli. Wala naman siyang sinabi kaya na-guilty ako... Ikaw ba namang makita ang boypren mo sa isang larawang may hinahalikang lalake, ano ang mararamdaman mo?

Ito nga ang pinoproblema ko ngayon. Mahal ko si "Fife" pero mahal ko na rin si "Fulgoso". Wala akong itulak kabigin sa kanila.  Childhood Sweethearts kami ni "Fife". Madalas kami noong maglaro ng bahay-bahayan kung saan ako ang tatay at siya naman ang nanay. Bestfriend ko ang ate niya, kababata niya naman ang kapatid kong babae. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. MU kami noong hayskul at naging officially mag-on lang noong 2002 nang mag-kolehiyo na rin siya. Mababait ang kanyang mga magulang subalit nararamdaman kong hindi sila sang-ayon sa relasyon namin ni "Fife" dahil marami pa silang plano para sa aking mahal. Ganunpaman ay naging masaya naman ang limang taong relasyon namin ni "Fife". Madalas ako sa kanilang bahay at lagi kaming lumalabas. Subalit nitong mga nakaraang buwan ay hindi na kami masyadong nagkikita dahil parehong abala sa pag-aaral, lalo na siya na graduating. Sa mga panahong ito ko naman nakilala si "Fulgoso".

Nakilala ko si "Fulgoso" nitong Hunyo lamang, nang mag-aplay siya sa isang org na kinabibilangan ko. Na-attract agad ako sa kanya dahil siya ay guwapo, malambing magsalita, smiling face. Mabait din siya at magalang. Unang kita ko pa lang sa kanya, nagustuhan ko na agad siya. Basta naramdaman ko na lang na malapit ang loob ko sa kanya. Katulad nang naramdaman ko noon kay "Fife". Ngayon ay mabuti kaming magkaibigan. Subalit nahulog na ang loob ko sa kanya lalo na nitong nakaraang buwan kung saan ang daming activities sa org. Madalas ko siyang nakikita sa tambayan. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging intimate ang mga usapan namin kung saan nagiging mas open na kami tungkol sa aming mga buhay.

Mahal ko si "Fife". Simula pa noong grade 4 ako, siya na talaga ang gusto long makasama habang-buhay. If ever magdesisyon akong magkaroon ng sariling pamilya (malayo pa sa isip ko sa ngayon), si "Fife" ang gusto kong maging ina ng aking mga anak. Napakabait ni "Fife" , maalalahanin, malambing, at siyempre, maganda at matalino.

Wala pa rin namang nagbago sa pagmamahal ko kay "Fife" . Nagkataon lang na nagkagusto ako sa iba, at sa isang lalaki pa. Lingid kay "Fife"  ang pagiging silahista ko (although may pakiramdam akong alam niya pero hindi lang niya ako tinatanong tungkol dito). Ayoko kasing pag-usapan namin ang ibang tao. Ayoko ring masaktan siya kapag nalaman niya.

Noong Sabado nga, napangiti lang siya nang makita niya ang picture namin ni "Fulgoso"na wallpaper ko sa cell phone ko. Biniro pa nga siya ni Ehl na nalaman na raw tuloy niya ang lihim ko. Deadma lang ako. Am I being unfair to her? Siguro nga.

Wala naman akong magagawa kung ganito ako. Hindi ko talaga maiwasang hindi magkagusto sa kapwa ko lalaki. Nagsimula ito noong hayskul subalit hindi ko ito masyadong pinapansin. Iniisip ko noon na humahanga lang siguro ako sa kanila. Subalit iba na ngayon. Hindi na lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko sa mga lalaki. Ilang lalaki na rin ang naging bahagi ng aking buhay, lingid sa kaalaman ni "Fife" . Sabagay hindi niya talaga malalaman dahil puro panandalian lamang ang mga naging encounters ko sa mga lalaking iyon. Panay one-night stand lang.

Subalit iba ang nararamdaman ko kay "Fulgoso". Katulad ng pagmamahal ko kay "Fife" , walang halong malisya o pagnanasa. Aaminin ko na minsan naiimadyin kong kayakap ko siya o hinahalikan pero never ko pang naisip ang eksenang nagtatalik kami. Kay "Fife" , oo, maraming beses ko nang inimadyin na nagtatalik kami. Konserbatibo kasi si "Fife" . Hanggang halik at yakap pa lang ako sa kanya at iginagalang ko iyon. Ayoko rin namang may mangyari sa amin dahil baka mabuntis ko siya nang 'di inaasahan. Pareho pa naman kaming hindi pa handa para doon.

Ang pagkabura kaya ng mga larawan namin ni "Fife" ay nangangahulugang kailangan ko nang palayain si "Fife" at ang aking sarili? Na mas mabuting ituloy ko na ang balak kong pakikipagrelasyon kay "Fulgoso"(eh hindi pa nga niya alam na mahal ko siya) at makipaghiwalay na ako kay "Fife" ?

Ngayong nakagradweyt na si "Fife" , susunod niyang gagawin ay ang kumuha ng board. Matagal na siyang gustong ipakasal ng kanyang mga magulang sa isang Kano pero ako ang pinili niya. Ngayon ay malapit nang matupad ang gusto ng kanyang mga magulang na makapag-abrod siya. In demand pa naman ngayon sa ibang bansa ang mga nurse. Ayoko namang maging hadlang sa mga pangarap ng kanyang mga magulang.

AAAAAAAAAAHHHHHH!

Ayoko nang mag-isip! Sumasakit hindi lang ang utak ko pati ang puso ko. Mahal ko si "Fife" at parang ayoko siyang mawala sa buhay ko.

Subalit mahal ko rin ngayon si "Fulgoso". Gusto ko rin siyang maging bahagi ng buhay ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Sabi nga ng kanta, "Sana dalawa ang puso ko".