Nasa ikaapat na taon na ko sa college nang puntahan ako ni Jhun para imbitahan sa kanyang kasal. Nang mga panahong iyon ay saglit kong nakalimutan si Migs dahil talagang na-miss ko ang aking kababata. Parang bumalik iyong feelings ko sa kanya noong mga bata pa kami. Dumagdag pa ang kawalan namin ng komunikasyon ni Migs simula noong magtrabaho siya rito sa Maynila. Hindi ko na makontak ang number niya at ayon sa mga kapatid niya ay lagi raw kasama ng amo nito sa mga out-of-town engagements. Namasukan kasing driver si Migs sa isang lady businessman sa Alabang. Dati kapag tinatawagan ko siya sa telepono ay lagi siyang may ginagawa at pakiramdam ko ay ayaw lang siya ipakausap. Wala naman akong magawa kundi ang maghintay sa kanyang tawag.
December na at malapit nang ikasal si Jhun. Sumapit ang bakasyon at magkahalong emosyon ang naramdaman ko habang bumibiyahe pauwi sa amin sa Bicol. Hindi ako masyadong masaya sa isiping ikakasal si Jhun sa babaeng nabuntis niya at hindi niya naman talagang mahal pero gagawin niya para sa batang isisilang. Naroon din ang pag-asang baka makauwi rin si Migs at magkita na rin kami sa wakas. Marami akong gustong itanong kay Migs, mga tanong na gusto kong maliwanagan. Ewan ko, overwhelmed ako nang mga panahong iyon kaya hindi ko mapigilang umiyak habang iniisip silang dalawa. Hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako sa sigaw ng mga nagtitinda ng mga pagkain sa loob ng bus. Saglit na tumigil ang bus sa isang stop over station nito. Malapit na pala kami sa Naga City kung saan ako bababa. Ilang minuto lang at nasa Naga na kami. Sa terminal ng jeep papunta sa aming baryo ay nakilala ko ang mga dati kong klasmeyt na sina Alan, Jackson at Roy. Crush ko ang mga ito noong hayskul ako. Parehong driver sina Alan at Jackson samantalang konduktor si Roy. Sa jeep ni Alan ako sumakay dahil nauna itong bumiyahe kung saan si Roy ang konduktor kaya nakalibre ako sa pamasahe. Nangako akong dadalaw ako sa kanila para makapag-inuman kami dahil hindi raw siya siguradong makakarating sa kasal ni Jhun. Sa tabi ni Alan ako umupo kaya nakapag-kuwentuhan kami. Second cousin ko pala ang napangasawa niya at may anak na rin sila.
Pagdating ko sa bahay ay saglit akong nagpahinga at naidlip na rin. Hapon na ako nagising at naligo agad ako sa dagat kasama ang mga bata kong pinsan. Pinilit kong mag-enjoy at pinagod ko ang aking sarili sa paglangoy. Nagpapahinga ako sa dalampasigan nang may dumating na grupo ng mga kalalakihan para maligo rin. Napatingin ako sa lalaking kamukha nina Jhun, kulot rin ang buhok pero medyo patpatin ang katawan. Nagtatawanan sila habang patakbong lumusong sa tubig. Apat silang mga lalaki na nasa 19-20 ang edad. Limang taon akong hindi nakauwi sa amin kaya parang nanibago ako sa mga tao, hindi ko kilala yung tatlo pa niyang kasama. Hindi nila ako napansin dahil nasa tabi ako ng isang malaking bangkang de-motor. Nahulaan ko na si Vince ang nakita ko, ang bunsong lalaki nina Jhun. Nung huli kong kita sa kanya ay uhugin pa siya. Ngayon ay tumangkad bigla pero payat, hindi katulad nina Migs at Jhun na well-developed and katawan. Naalala ko naman si Migs, at napaluha na naman ako.
Nagpupunas ako ng luha nang may magsalita. "Okay ka lang?" Nagulat ako at nang pagtaas ko ng mukha ay nakita ko si Vince sa harap ko.
"Ha? Oo, napuwing lang ako," sagot ko.
"Dumating ka na pala. Hindi kita napansin kanina, sinabi lang sa akin ng mga pinsan mo." Umupo siya sa tabi ko.
"Kanina lang umaga. Kumusta na si Tito?" pangungumusta ko sa tatay nila.
"Ayun, sinusumpong na naman ng rayuma. Punta ka mamaya sa bahay, matutuwa iyon."
"Oo, ba." Saglit na katahimikan. Parang nahihiya ako.
"Punta ka ba sa kasal ni Kuya sa makalawa?" tanong ni Vince.
"Gusto niya nandoon ako."
"Pero gusto mo ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Napatingin ako sa kanya, nagtatanong.
"Akala mo hindi ko alam, no. Remember, iisa lang ang kuwarto naming magkakapatid."
Namula ko sa sinabi ni Vince. Ibig bang sabihin ay alam niya ang nangyayari noon kapag natutulog ako sa bahay nila at katabi ko ang Kuya Jhun niya? Pero bata pa siya noon.
"Okay lang 'yun. Kung gusto mo ng kausap andito lang ako."
Biglang tinawag ng mga kaibigan niya si Vince.
"Kuwentuhan tayo mamaya sa bahay. Inuman tayo," sabay tapik niya sa aking balikat at tumayo na para lumusong ulit sa dagat. Hinabol ko siya ng tingin.
Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay nagpahangin ako sa balkonahe. Iniisip ko kung pupunta ba ako sa bahay nina Migs o hindi. Kaya lang naisip ko si Vince, baka naghihintay sa akin 'yun.
Nagulat ako sa tahol ng aming aso. Maya-maya lang ay lumitaw si Vince sa harap ng bahay namin.
"Sabi ko na nga ba, magdadalawang-isip ka. Kaya sinundo na kita. Gusto ka raw makita ni Papa."
Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Oo nga pala, hindi ko pa nabibisita si Tito Vic. "Wait lang, magbibihis lang ako." Pagpasok ko sa kuwarto ay ang picture namin ni Migs ang nakita ko sa ibabaw ng desk ko. Kinuha ko iyon. Tinitigan. Mayamaya ay itinaob ko ito. Kinuha ko sa bag ang paboritong red wine ni Tito Vic.
Narinig kong kausap ni Vince ang lola ko. Ipinagpaalam niya ako.
Habang naglalakad papunta sa kanila ay napansin kong hindi straight ang paglalakad ni Vince. Siguro nakainom na. Napadaan kami sa harap ng elementary school namin.
"Ihi lang ako," paalam niya habang nakatingin lang ako sa paaralan namin. Maraming alaala ang bumalik sa akin. Pinigilan ko ang luhang gustong umalpas sa aking mga mata pero hindi ako nagtagumpay. Mabilis kong pinahid ang aking luha.
"Gusto mong pumasok," tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya. Tapos na pala siyang umihi at nakatingin sa akin. Namula ang pakiramdam ko kasi baka napansin niya ang pagpahid ko sa aking luha.
"Baka gusto mong may makausap," sabi niya.
Nakita nga niya. "Hindi, bukas na lang. Balak ko talagang bumisita rito para kumuha ng mga picture. Saka naghihintay sa atin si Tito."
"Okay lang iyon. May mga kainuman 'yun ngayon sa bahay. Baka lasing na iyon pagdating natin." Kinuha niya ang bote ng alak sa akin at bigla siyang tumalon sa bakod ng eskwelahan. Nahiya naman akong tumanggi. Saka nang-eengganyo ang malamig na simoy ng hanging nagmumula sa karagatan. Tahimik kaming naglakad patungo sa isang bench sa harap ng flagpole. Naupo siya. Tahimik pa rin. Umupo ako sa kabilang side.
"Ang layo mo naman," reklamo niya kaya lumipat siya sa tabi ko. Tahimik lang akong nakiramdam. Mixed emotions ng nakaraan at ng kasalukuyan.
"Baka gusto mong mag-share. Handa akong makinig," sabi niya.
Na-touched ako sa sinabi niya. Ewan ko ba, naging weird ako nitong mga nakaraang araw. Naging emotional. Napahagulhol ako. Bigla niya akong niyakap.
"Kalimutan mo na si Kuya Jhun. Marami pa namang iba diyan," pang-aalo niya.
Napatigil ako. Hindi nga pala alam ni Vince ang tungkol sa amin ng Kuya Migs niya. Akala niya ay magbarkada lang kami ni Migs. Sabagay, inilihim talaga namin ni Migs ang aming relasyon dahil baka hindi kami maintindihan ng mga tao. Ang tungkol kay Jhun lang ang alam ni Vincent. Iniisip niyang kaya ako nagkakaganito ay dahil sa Kuya Jhun niya.
Huminga ako nang malalim. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Okay na ako. Salamat."
"Sure ka?" paniniyak niya.
"Oo. Tara na."
Akmang tatayo ako nang pigilan niya ang aking kamay. "Bakit?"
"Saglit lang. Puwedeng umupo ka ulit sa tabi ko."
Nagtataka man ay sumunod ako sa gusto niya. Inakbayan niya ako. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga. Kinilabutan ako.
"Lei, tutulungan kitang makalimot si Kuya," bulong niya. Hinalikan niya ang tenga ko.
Nanlamig ang katawan ko. Bigla akong napatayo. "Vince, ano bang sinasabi mo?"
"I'm sorry. Na-offend ba kita?" nag-aalalang tanong niya.
"It's okay. Tayo na sa inyo."
Tumayo na rin si Vince at kinuha ang alak. Nauna akong naglakad papunta sa bahay nila. Nakabibinging katahimikan hanggang makarating kami sa kanila.
Tuwang-tuwang niyakap ako ni Tito Vic. Kamukha talaga siya ni Jhun. I still miss Jhun but the feeling is gone. Friend na lang ang turing ko sa kanya.
Sa sala ay andoon ang mga barkada ni Vince na kilala ko rin dahil ang ilan ay mga kapatid ng mga high school friends ko. Parang walang nangyaring nag-join kami ni Vince sa inuman nila. Panay ang biro ni Vince at tawa nang tawa naman ang mga kaibigan niya. Pangiti-ngiti lang ako lalo na kapag napapadako sa akin ang tingin ni Vince. Medyo tipsy na ako nang mag-ayang magsiuwi ang mga kabataan. Si Tito Vic ay maagang natulog. Kaming dalawa na lang ni Vince ang naiwan. Palabas na ako ng pinto nang pigilan ako ni Vince.
"Dito ka na matulog."
"Huwag na. Uwi na lang ako."
"Para ka namang others. Magtatampo ako sa iyo 'pag umuwi ka."
Hindi na ako nakipagtalo. Tutal, madalas naman akong matulog sa kanila ever since. Naisip ko rin, gusto ko ulit maranasan ang pakiramdam kapag natutulog ako sa bahay nila.
Dumiretso na ako sa kuwarto. Ang kuwartong ito ang naging piping saksi ng pagmamahalan namin noon ni Jhun. Madalas din akong matulog dito katabi ni Migs pero never kaming nag-sex sa kuwartong ito. Para safe ay sa aking kuwarto kami nagla-lovemaking ni Migs. Inaantok na ako kaya humiga agad ako sa kama kahit hindi pa ako naghihilamos. Nakatulog ako nang mahimbing.
Naalimpungatan ako sa bigat na dumadagan sa akin. Si Vince, nakayakap sa akin habang natutulog. Sa liwanag na nagmumula sa sala at tumagos sa kisame, napagmasdan ko ang mukha ni Vince. May sarili siyang appeal although pinakaguwapo talaga sa kanila si Migs. Wala akong masyadong alam kay Vince maliban sa pasaway na anak. Ilang beses na siyang bumagsak sa klase at hindi na itinuloy ang pag-aaral dahil may nakaaway na teacher. Mas madalas ay nasa barkada ang oras nito kaysa tumulong kay Tito Vic sa pamamalakad ng kanilang bukid. Alak, sugal, sigarilyo at babae. Iyan ang mga bisyo ni Vince. Papalit-palit ng girlfriend at lagi raw nahuhuling may babaeing dinadala sa kubo nila sa tumana. Sabagay, nakaka-attract rin kasi ang bad boys. Ilang beses na rin akong nagkagusto sa mga tulad nila simula hayskul hanggang pati sa kolehiyo.
Gumalaw si Vince. Nasagi ng tuhod ko ang kanyang naninigas na ari. Umaga na kasi. Para akong nakuryente. Pinasok ng kademonyohan ang utak ko. Inabot ng aking kamay ang flagpole. Super tigas nga. Mahaba rin ito gaya ng kay Migs. Medyo may tama pa ako ng ispiritu ng alak. Pinisil ko ito at hindi ko napigilan ang panggigigil ko. Nagising si Vince sa ginawa ko at nagulat pa ako nang magmulat siya ng mga mata. Agad kong binawi ang aking kamay. Ngumiti lang siya sa akin at kinuhang muli ang aking kamay. Umayos siya ng higa. Ipinatong niya ang aking kamay sa kanyang kahindigan. Hinayaan ko lang siya. Hindi ako makatingin sa kanya. Pinagpala ko ang kanyang kagitingan.