Monday, August 24, 2009

Internet Technician 2

Padabog kong ibinaba ang telepono pagkatapos kong ireport ang problema sa aming internet connection. Dalawang araw na akong hindi makapag-internet dahil hindi ako maka-connect. Nag-i-error message. Magpapadala raw sila ng technician bukas para tingnan ang aking router at computer. Hindi tuloy ako makapaglaro ng mga paborito kong laro sa Facebook na Mafia Wars, Vampires Wars at Castle Age. Sa ngayon ay balik ako sa una kong libangan na pagbabasa ng libro. Malapit ko nang matapos ang second saga ng Twilight series na New Moon na ipapalabas bago matapos ang taon.

Nagising ako sa tahol ng aso namin. May kumakatok sa gate namin. Nakaidlip pala ako sa pagbabasa. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at lumabas ng kuwarto para tingnan kung sino ang tao.

Nagulat ako nang mapagsino ang bisita. Si Gilbert!

No comments:

Post a Comment